Why do we love?
So we can have somebody to talk to? Someone who can be there kapag gusto natin gumala? A person na pwedeng manlibre satin? Taong magbibitbit ng gamit mo? Alalay for short. What if di ka nya mahal? Would you still love him/her? Would you still continue to care for that person? Bakit naman hindi? You didn’t love that person para magkaroon ka ng alalay, magkaroon ka ng instant meal dahil libre. Taong gagawa ng assignment or projects mo or taong mahihila mo if you wanna go out… if that’s what you think about love, well sorry pero ang babaw mo.
Loving a person doesn’t need to have a criteria na dapat maganda o pogi sya, mabait o understanding, kasi once you fall in love, you take the rist of accepting that person kahit maingay ka sya matulog, ung hilik ng hilik, kahit matakaw sya or sobrang taba na hindi kayo magkasya kapag puno na ung jeep. Kahit sobrang moody nya na kulang na lang ay sapakin mo sa inis. Yung sobrang seloso/selosa na pati kabarkada mo ay pinagseselosan. Badtrip diba? Yung napakaarte, OA kumbaga.. or kahit ano pang things that would turn you off.
Hirap magmahal, trying to be “perfect” kasi. Gusto mo magtagal pero hindi yun ang sagot sa lahat, accepting the real person fully, kasi kapag sinabi mong mahal mo sya, you don’t need to find answers kung bakit mo sya mahal kasi lahat ng tao ay nagbabago, but if you accept that, magbago man sya in the middle of your relationship ay hindi ka masasaktan kasi alam mong dadating din yung time na un at tanggap mo sya ng buo. Mahirap gawin pero masarap subukan dahil wala ng mas sasaya pa if you let one person feel na “mahal na mahal” mo sya without asking for anything in return, and then you can say “Wow! Yun pala ang LOVE!”
Being happy doesn’t mean everything’s perfect, it means you’ve decided to see beyond the imperfections. Nakakatawa talaga ang love, isa syang napakalaking OXYMORON na lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa din. Labo diba, pero malinaw. Masaya magmahal, malungkot magmahal. Di mo maintindihan, pero naiintindihan mo. Di mo na kaya, pero kaya mo pa din. Masakit magmahal pero okay lang. Sus, ano ba talaga?
May friend ako, sabi nya “Love is only for stupid people,” nakakatawa kasi dumating yung time na nainlove din ang hunghang, ayun tanga na sya. Halos lahat ng bagay nababaliktad ng pagibig.. Yung malakas, humihina. Mayayabang, nagpapakumbaba. Walang paki, nagiging Mother Theresa. Henyo, nauubusan ng sagot. Sad, nagiging happy. Nakakatawa talaga lalo na kapag dumating sya sa taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh na parang kapag gusto mong mainlove ulit, sabihin mo lang ung magic words na “AYOKO NG MAGMAHAL!” at biglang BOOM! Ayan na sya at nang-aasar, magpapaasar ka naman.
Diba nakakatawa na pagdating sa problema ng iba ay ang galing galing mo, pero kapag problema mo na ang topic ay parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo sa namomroblemang tao? Naisip mo na wala naman mali sa mga sinabi mo, pero bakit parang wala ding tama?
Balibaliktad din ang mga nasasabi ng taong tinamaan ng pana ng pagibig.. “Ngayon ko lang nalaman na ganito pala, sabi ko na nga ba eh!”, meron din na “Ang sarap mabuhay! Pwede na akong mamatay! Now na!” At hindi lang un, ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman na masasaktan lang eh nagpapahulog pa din sila sa bangin ng pagibig.. Tapos luluray luray na yung puso nila at syempre hindi sila ung may kasalanan, “Bakit ba nya ako sinaktan?” at may kasama pang pagsuntok sa pader yon at pagbagsak ng pinto.. Hayop talaga.
Mauubos talaga ng buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa kapag pagibig ang pinaguusapan. Ang daming beses ko na kasi sya nakasalubong kaya masasabi kong “expert” na ako, pero bakit wala pa din akong alam? Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto mong magpatawa ng pagibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline. Nakakatawa no? Nakakaiyak.
Disclaimer: I just found this in my old notebook, I forgot/don’t know who the author is.
